__________________________
If A loves B, it's not logical to say
That B loves A...
Tama ang sabi mo, lahat ng bagay ay may lohika sa mundo.
Maaari ngang hindi ibalik ng isang tao ang pagmamahal
mo.
Maaari ngang masugatan ang masayahing puso.
Kahit ilang beses kong ipagpilitan ang aking kaso,
Kahit ilang beses kong ulit-ulitin ang mga pangako.
Wala akong magagawa kung ikaw ay lalayo,
Lulunukin ko na lang ang mapait mong: " Oo, magkaibigan
lang tayo."
Malikot, makulit, naghihimutok ang damdamin.
Mahirap, masakit, pero kailangan tanggapin.
Hanggang sa isang malupit na kahibangan lang ako
mabubuhay,
At sa mundong ito na hindi ka kasama, dito na rin ako
mamamatay.
Pero ewan natin, ating alamin.
Baka sa paglipas ng oras, matutunan mo rin akong mahalin.
At baka masira natin ang mga prinsipyo sa libro,
At tuluyang mawasak ang lohika ng mga puso.
...But if the conditional is true, this I will say,
Maybe someday, B will love A.